Old School

March 16, 2017 First time ko ulit bumisita sa school, ngayon na lang ulit ako naka-alis ng Laguna ever since nagwork ako sa jfc (after ng training). I was hoping na kasama ko bumisita ang tropa ko nung college kaso di sila pwede kasi may work at iba iba pa ng sched, so si ate girl Dria lang ang kasama ko.

17342139_10208784939238153_665702409_o

Sobrang nostalgic nung feeling habang naglalakad kami around campus. Nakakamiss maging student, yung papasok ka para mag-aral tapos everyday mo makikita at makakasama ang mga kaibigan mo, walang kahirap hirap. Ang mga problema mo lang dati is kung pano ka papasa sa mga subjects mo, diba ang saya unlike pag ka-graduate mo, ang dami mo na iisipin like, maghanap ng trabaho, pano mag-ipon, how to be independent: pay your bills, meal, gala/gimik, etc.

17357608_10208784939198152_152705459_o

Iyong picture sa taas, yan iyong building namin (for CTHM students, may educ, nutrition din kaming kasama) sa may Lacson sya 3 years kaming nag stay dyan tapos nung last year na namin nalipat kami sa P.Noval, BGPOP, newest building sa campus. Maganda sya syempre kasi bago tapos alumni building pa sya so ma-gara talaga. Pero ngayong pagbalik namin, back to lacson ang mga cthm kasi nilipat na sa BGPOP yung SHS. Pag nasa Lacson ka ang lungkot kasi wala masyadong kainan sa area kailangan mo pang pumunta sa dapitan or p.noval (kasi doon super masaya kasi madaming kainan and hang out places) ang pinaka malapit na samin ay carpark, eh syempre nakakasawa na din minsan lalo puro FFR ang andun. Sa espna naman hindi kami masyadong nag explore doon dati kasi tatawid ka pa plus ang daming sasakyan doon. Buti na lang na experience namin ang BGPOP bago ibalik ulit sa albertus ang cthm!! YAY.

17379929_10208784939078149_1252688640_o17342410_10208784938518135_250259889_o17342176_10208784938798142_293191853_o17237056_10208784938438133_1275668284_o

Madami na din bago around and inside UST, may mga bagong resto sa carpark, ang sosyal na! Tapos ang dami na ding artsy resto and masasarap na kainan sa labas ng school. Grabe bakit ngayon lang kayo nag sulputan? Katulad na lang nitong kinainan namin sa P.Noval malapit sa RGD (favorite ko to sa Noval!!HAHAH) Dormina Espressia ang name ng cafe. In trend yung mga ganitong type ng cafes, sarap tumambay dito, pwedeng pwede for dates, casual chill place and for people na gusto mag-aral or gumawa ng thesis!! May mga snacks, pasta and rice meals din sila sa menu. Ang triny namin is yung may rice, kasi lunch time na nung nag dine kami. Okay naman ang food , natuwa ako sa egg kasi ang sarap tapos yung drink masarap din, overall worth it ang pera mo dito.

Ang daya din talaga ng buhay, bakit ngayon lang nagkaroon ng mga ganitong type ng kainan around UST kung kelan wala na kami, edi sana may place kaming tatambayan  habang gumagawa ng thesis. Usually kasi noon kung walang rooms na pwedeng pagtambayan sa loob ng UST sa Cafe Kivhan or MCDO kami, ang hirap humanap dati nakakaloka.

Pagkatapos namin kumain nag decide kami na puntahan si Hannah sa katipunan, wala lang bibisita lang sa workplace nya. Biglaan lang to wala sa plano ko na pumunta sa ibang lugar besides UST pero ayon nga napunta na lang ako/kami bigla ng katipunan! Grabe taga bundok na talaga ako namiss ko sumakay ng LRT, sana meron na ding LRT samin huhuhu.

Habang nakaduty si Hannah nag-gala muna kami sa UP town tapos bigla lang namin nakita si Nebs (classmate din namin). He invited us to visit their store which we gladly said yes to, recently lang sila nag open March 11, 2017 to be exact. This is there 2nd store, guys visit din kayo! They retail streetwears from international brands like supreme, fairplay, wrung etc.,

Nakakatuwa tong pagluwas ko na to, ang layo nanaman ng narating ko na dapat sa UST lang ako, tatlong tao agad nabisita ko and nakakwentuhan na dapat isa lang. Kaya ayon ginabi ako ng uwi. Next time sana madami na kami at mas matagal pag stay ko with them. Bakit nga ba kasi sa south ako nakatira??? Gusto ko na lumipat ng bahay….wla akong friends dito sa south nakakaiyak!!! Pag nagka pera ako bibili na talaga ako ng condo or bahay sa manila, promise.

PS: Parang rushed yung blog post ko na to kasi manonood ako ng anime, Orange yung title, excited na ko eh. Baka gumawa ako ng review about sa anime na yon pag katapos ko panoodin and basahin yung manga, sana may time pa ko para matapos tong mga balak ko hehehe.
All photos here are not mine, photos are from my friends
Advertisements

Happy first month baby D!

It has been 1 month since you were born! Ang bilis naman ng araw. Parang dati dumuty pa ako na malaki iyong tummy ko tapos ngayon 1 month ka na. Naalala ko pa noon hirap ako sumakay ng jeep, tricycle at hirap din akong huminga lalo kapag busog ako! Lagi pa naman akong busog dati kasi kain ako ng kain. The struggle was real talaga but here you are tada!!! Worth it lahat ng hirap, stretch marks at puyat, salamat din sa fats baby. Ikaw lang pala makakapagbigay sakin ng totoong fats.

Sketch72141942

Kamusta na nga ba ang buhay ko after 1 month? Ayon taong bahay with baby dee, gising sa gabi tapos tulog sa umaga. Iyong schedule ng tulog ni baby eh parang iyong duty ko sa work so medyo hindi ako nahirapan plus kasama ko si mama sa pag-aalaga. Laking pasalamat ko sa mama ko kasi alagang-alaga nya si baby, siya nagpapalit ng diaper etc., tsaka din sa asawa ng kuya ko na in-charge sa pagpapaligo kay baby. Ano palang ganap ko?  Lagi kong katabi si baby sa higaan, sinasabayan ko siya sa pag-tulog kasi kailangan ko magpahinga kasi diba hindi pa naman completely okay yung katawan ko after a week ng panganganak. Pero i do little things like pagkarga, breastfeed & papa-inom ng milk sa bottle, marunong din ako mag change ng diaper ang di ko lang talaga nagagawa pa ay yung pagpapaligo kay baby, nakakatakot kasi baka mabali ko mga buto nya, tsaka na lang pag alam ko nang di ko mababali mga buto ni baby.

Ang saya ng feeling maging nanay lalo na pag tinititigan mo yung anak mo tapos bigla syang tatawa. Ang cute cute!! di ko lang makuhanan ng picture na sakto kasi ang hirap, my hands are full, wala pa naman sa family ko mahilig mag document/picture kundi ako lang. At dahil nga mahilig ako mag take ng photo/document gumawa ako ng scrapbook para kay bbgirl, sana matuloy ko siya hanggang sa paglaki ni baby para well documented talaga ang buhay nya. Tapos may photo album ako, as in real life photo album hindi yung digital. Gusto ko lang din na may hard copies ako ng mga pictures nya parang katulad samin ng kuya ko may mga photo albums kami na nakatago. Ang isa pang gusto kong gawin is magtake ng videos pero baka next time na yon pag hindi na sya puro tulog at iyak.

We had some visitors din, mga future ninangs and ninongs!!!

 first photo: JEKA, fresh from oritgas, kahit sobrang busy bigla din syang pumunta sa bahay.
second & third photo: TROPA ( friends from college, sobrang surprised ako sa pagpunta nila medyo nanginig  tuhod ko nung nakita ko sila, iiyak na sana ako pero sobrang saya ko nanginig na lang ng bahagya yung tuhod ko.)
Nakakatuwang makita sila ulit kasi sobrang tagal ko na silang hindi nakita ever since nung nabuntis ako. Ang lalayo kasi namin sa isa’t – isa, nasa laguna ako tapos sila mostly nasa manila. Kaya sobrang saya lang na pumunta sila sa bahay namin.

Malapit na akong bumalik sa work kaya sinusulit ko na ang leave ko, by april sa binan na ulit ako uuwi for sure minsan ko na lang makakasama si baby pag rest day ko lang huhu. Kaya inaasikaso ko na ang birth certificate ni baby at nag apply na din ako for solo parent. Inaayos ko na mga requirements ko and sana matapos ko sya before mag april! Sobrang bilis ata ng panahon, nakakatakot, nakaka-excite! Happy 1 month bbgirl madami pa tayong challenges na haharapin let’s do our best 🙂

Makabayan pa nga ba?

Matagal-tagal din ang ginawa kong paghihintay at pagtitiis para lang mapanood ang pelikulang Heneral Luna dahil sa tambak na gawain ko sa trabaho.  Ang tanging tunay na pahinga ko na lamang ay tuwing Linggo, linggo kung saan mas nanaisin ko pang matulog na lamang buong araw sa bahay kaysa pumunta pa sa kung saan-saan. Kaya nangamba ako na baka hindi ko na maabutan sa mga sinehan ang pelikula pero sa kabutihang palad nagkaroon na ako ng pagkakataon para mapanood ito. Nais kong pasalamatan ang lahat ngnanood at sumusuporta (kung makapagpasalamat ay tila kabilang ako sa mga gumawa ng pelikula hahaha) sa Heneral Luna dahil pinatagal nyo ito sa mga sinehan. Noong nakapila kami upang kumuha ng ticket at pati na rin noong mga panahong nasa loob na kami mismo ng sinehan, napansin ko na karamihan sa mga nanonood ay mga estudyante. Siguro dahil sa may discount kapag estudyante, siguro requirement o di kaya naman gusto talaga nilang masaksihan kung ano ba talaga ang pelikulang Heneral Luna. Kahit ano pa ang mga rason ng pagpunta o panonood nila, sa tingin ko naman ay natuwa sila sa pelikula at madami din ang namulat sa katotohan ng pagiging isang makabayan. Madami na ding nagkalat na iba’t ibang posts sa mga social media sites kung saan tinatalakay ang pagiging makabayan nating mga Pilipino, at isa sa mga humuli ng aking atensyon ay ang post na ito na nakita ko lamang sa newsfeed ko sa facebook:
12049689_705768176189378_5334617738343438252_n

Napaisip ako na marahil tama sya, ano na nga ba ang ginagawa ng mga kabataan ngayon? Sa edad ko ngayon na 20 iniisip ko kung ano na nga ba ang mga nagawa ko para sa bansa, maliban sa pagbibigay respeto sa mga bayani at pagkanta ng maayos ng Lupang Hinirang. ano pa nga ba ang nagawa ko? Wala naman ata, ang tanging nagawa ko lang ay ang magreklamo at husgahan ang mga tao. Nakakalungkot dahil parang hindi na masusundan ang bilang ng mga bayani sa bansa. Bigla tuloy pumasok sa aking isip ang mga katanungan na bakit tila wala nang lumalaban para sa karapatan ng ating bayan? ano ang nangyari sa mga anak ng bayan? Saan na napunta ang mga pinaglalaban ng ating mga bayani?…

Sa aking pag-iisip ay may iba’t-ibang opinyon akong nagawa na pwedeng maging sagot sa aking mga katanungan. (oo mahilig akong sagutin ang sarili kong mga tanong hahaha)  Naisip ko na baka kaya wala o kaunti na lamang ang lumalaban para sa bayan ay marahil naniniwala tayo na tunay at ganap na ang kalayaan na ating tinatamasa. Oo wala na ang mga dayuhan na pinipilit agawain ang sa atin (saglit lang, mayroon pa palang nang-aagaw! Ang Tsina pero wag na nating talakayin yan dahil mapapalayo na ako sa nais kong pag-usapan) at wala na din ang mga dayuhan na minamaliit at nanakit sa atin sa sarili nating bansa. Kaya ito tayo ngayon, masaya at kung ano-ano na lamang ang pinoproblema. Sa isang salita naging kampante na ang mga Pilipino, hindi na natin nakikita o napapansin ang mga paghihirap ng iba nating kababayan.Hindi na natin nabibigyan pansin na ang mga mananakop na mga dayuhan ay hindi parin nawawala dahil nandyan parin sila, tahimik na sumasalakay sa ating ekonomiya, politika, paniniwala at tradisyon. Siguro nga ay nabubulag pa din tayo sa iba’t ibang realidad ng ating panahon ngayon kaya hindi natin alam kung mayroon pa bang dapat ipaglaban ang ating bansa. Pero maari din naman na baka nag-iba na ang prioridad ng mga Pilipino at dahil dito ay pati ang mentalidad ng mga kabataan ay naapektuhan na. Malawak at marami na ang mga maaring dahilan kung bakit ganito na ang ating mga adhikain para sa bayan kaya nga napakagandang hakbang ang pgpapaalabas ng mga historikal na mga pelikula tulad ng Heneral Luna sa mga sinehan, para paminsan minsan ay maimulat ng mga Pilipino ang kanilang mga isip sa mga natatagong realidad ng modernong pananakop (modern colonialism) at upang ipa-alala sa atin ang mga pinaglaban ng ating mga bayani….

***
PS: hindi ko alam kung maiintindihan ng mga mambabasa ang mga naisulat ko dahil sa magulo ang paraan ko ng pagsusulat, kaya kung may mga bagay kayong nais nyong mas bigyan ko pa ng linaw ay mag-iwan na lamang kayo ng komento sa ibabang bahagi ng pahinang ito.

PPS: nahirapan ako sa pagsulat sa post na ito, sinubukan kong magsulat ng purong tagalog (upang isa ayon ang post na ito sa pagiging makabayan) ngunit sa tingin ko ay hindi ako nagtagumpay, kung napansin nyo may mga salita akong ginamit na hindi galing sa salitang tagalog siguro ay kung hahasain ko pa ang sarili ko sa pagsulat sa purong tagalog ay mas maipaparating ko pa ng maayos ang mga opinyon ko.

Hanggang samuli! (siguro sa ikalawang pelikula na gagawin ng artikulo uno production) 

Free travel?

I see this photo on my nf frequently and I kinda disagree with the “you’d never see me again” part.

this photo is not mine
this photo is not mine

I think that traveling can be done in two ways; first is by yourself– some alone time isn’t so bad, especially when you’re in that phase of your life that you need to find or fix yourself. A good trip outside the city can be an example of traveling to find yourself, where in you can view the rising of the sun, smell the freshness of the air and hear the chirping of the birds, these simple things can heal your soul and can make you realize that life can offer so much more. Traveling alone might boost your self worth because by spending time alone you might know yourself better and by knowing one’s self he/she can grow to love their imperfections. So why don’t you try and travel the world alone, discover the beauty of nature and of yourself. Second is with good company– after your alone time, it is now a good time to spend it with your squad, enjoy each others company; talk over personal things in front of a bonfire or even under the stars, talk about the things that scares you and face them together ( talking about cliff jumping and other extreme sports). Creating memories with them would probably be the highlight of your memories as a teen or young adult, so go out there and call your friends because adventures will be more fun if you could share the fun with someone.

For me, if traveling was free (and you’re my friend) you’d probably see me all the time, banging at your door asking if you could accompany me in some fun adventure somewhere. I’d enjoy the adventure if i’m with my squad, my very diverse and crazy squad but reality is cruel and we all know that traveling is expensive but that doesn’t mean that we can’t create memories and besides, after all the traveling, the thing that would matter in the end will be the memories. So go out there and enjoy life with your squad and at the same time save up some money for your travel dreams.*wink wink* and don’t forget to bang my door and ask me to go with you okay?